-- Advertisements --

Target ng Ombudsman na makapagsampa na ng kaso sa Sandiganbayan kaugnay ng isyu sa maanomalyang flood control projects sa susunod na buwan.

Sa pagbusisi sa panukalang pondo ng Office of the Ombudsman para sa susunod na taon, sinabi ni Remulla na posibleng maisampa ang kaso sa loob ng 30 araw.

Kaugnay ito ng mga reklamong isinampa ng Department of Public Works and Highways kung saan kasama ang mga ebidensya mula sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.

Sa kanilang pagsusuri, magaganda anya ang mga ebidensya, dadaan na lang sa kaunting evaluation at makatutuloy na sila sa preliminary investigation.

Sa hiwalay na panayam, iginiit ni Remulla na may mga kongresistang sasampahan ng kaso sa Sandiganbayan.

Malamang aniya ay kabilang dito si dating Congressman Elizaldy Co.

Hindi naman tiyak ng opisyal kung mayroong kasamang senador na sasampahan ng kaso.

Gayunpaman, siniguro ni Remulla na paspasan ang pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan.