-- Advertisements --

Hindi na magbibigay pa ng petsa si Ombudsman Jesus Remulla kung kailan ang pagsasampa ng kaso sa mga sangkot sa flood control projects.

Kasunod ito sa naging pahayag ni Senator Imee Marcos , na mayroon itong impormasyon na sa Enero 15 ay sasampahan na ng kaso sina Senator Jinggoy Estrada, Sen. Joel Villanueva at dating Sen. Bong Revilla Jr dahil sa pagkuha umano ng kickbacks mula sa flood control projects.

Giit ni Revilla na wala itong alam kung saan nanggaling ang impormasyon na nakuha ng Senator.

Dahil dito ay nagpasya na si Remulla na magbanggit pa ng anumang petsa sa anumang kasong hawak nila.