-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ng Office of the Ombudsman si outgoing Cebu Governor Gwendolyn Garcia dahil sa hindi pagsunod sa suspension order na ipinataw sa kaniya.

Ang nasabing kautusan ay inilabas nioong Mayo 19 kung saan mayroong limang araw si Garcia na magpaliwanag kapag ito ay kaniya ng natanggap.

Sakaling hindi nito masagot ay papatawan siya ng indirect contempt.

Nakasaad kasi sa unang suspension order noong Abril 29 na dapat siya ay tumugon sa suspensiyon subalit kaniya itong binalewala.

Naglabas din ng kautusan ang Ombudsman para magpaliwanag si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Public Affairs and Communications Rolando Puno dahil sa pagpapabaya at pagkonsinti nito sa ginawa ni Garcia.

Magugunitang pinatawan ng anim na buwan na suspension si Garcia ng Ombudsman noong Abril 23 dahi sa pagbibigay niya ng permit sa construction company ng walang anumang environmental clearance.

Iginiit ni Garcia na nakasaad sa Comelec Resolution 11059 na ipinagbabawal ang pagsuspendi ng isang elective provincial officers ng hindi nila inaaprubahan tuwing election period.