-- Advertisements --

Pinanindigan ni Ombudsman Samuel Martires ang kanyang kautusang itigil na ang pagsasagawa ng lifestyle checks sa mga public officials at paglimita ng public access sa kanilang statements of assets, liabilities and net worth (SALN).

Sinabi ni Ombudsman Martirez, maliban sa wala itong batayang batas, nagagamit ito ng ilang pulitiko at maging mamamahayag sa pangongotong.

Ayon kay Martirez, nagiging “fishing expedition” na lamang ang lifestyle check at puro suspetsa na wala namang matibay na ebidensya na galing sa korupsyon o ill-gotten wealth ang taglay na yaman ng isang opisyal.

Iginiit ni Ombudsman Martirez na ang pinakamatibay pa ring ebidensya ay testimonya ng mga testigo.

Itinanggi rin ng Ombudsman na may pinoprotektahan itong matataas na opisyal ng gobyerno, bagkus ayaw lang nitong magamit ang SALN sa masama o ibang motibo.