Inihayag ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na ipinag-utos na ng Ombudsman ang kadyat na pakikipag-ugnayan o koordinasyon ng National Bureau of Investigation sa Bureau of Fire Protection.
Ito’y kasunod nang sumiklab ang apoy sa gusali ng Department of Public Works and Highways sa Quezon City.
Layon sa inilabas na agarang direktiba na malaman ang sanhi ng sunog at matukoy kung ‘arson’ ang motibo sa pagsiklab ng apoy.
Kung kaya’t nais sa kautusan na mabigyang linaw pati ang akto sakali mang sinadya ang naganap na sunog sa gusali ng DPWH.
Sa kasalukuyan kasi ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman ukol sa flood control projects anomaly na siyang tinutukan rin ng DPWH.
Ilang mga dating opisyal ng kagawaran ang nasasangkot sa kontrobersiya lalo na sa mga proyektong ‘substandard’ at ‘ghost projects’.
“The Ombudsman is aware of the ongoing fire incident at the Department of Public Works and Highways (DPWH) office in Quezon City,” pahayag mula kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, tagapagsalita ng Office of the Ombudsman.
“The Ombudsman has directed the immediate coordination with the National Bureau of Investigation (NBI) and the Bureau of Fire Protection (BFP) to determine the cause of the fire and to establish whether arson or any deliberate act was committed,” dagdag pa ni AO Clavano.