-- Advertisements --

Pormal nang nanumpa ngayong araw si former Department of Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla bilang ika-pitong Ombudsman ng bansa. 

Pinangunahan mismo ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen ang oath taking ceremony nito sa Korte Suprema, lungsod ng Maynila. 

Ang pagkakatalaga ni Ombudsman Remulla para sa naturang posisyon ay kasunod nang siya’y piliin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. mula sa shortlist ng Judicial and Bar Council. 

Sa kanyang panunumpa, siya’y itinuturing ganap at opisyal ng Ombudsman kapalit o kasunod ng pinalitan niyang nagretirong si Samuel Martires. 

Buhat nito’y ibinahagi ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na ang naturang posisyon ay siyang hiling niyang mapagbigyan ng Pangulo.

Kung kaya’t si President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ay mayroon umanong bilin sa kanya buhat nang maitalaga bilang panibagong tanod-bayan.

Bilin aniya raw nito na pangalagaan ang pagpapanagot sa mga pampublikong opisyal ng mga sangay ng pamahalaan bilang tugon sa hinahanap-hanap ng taumbayan. 

Samantala, bilang former Justice Secretary, kanya namang ibinida ang mga nagawa nito para sa naturang kagawaran. 

Mula ng mag-umpisa kung saa’y inilarawan niya ito bilang masalimuot, iiwanan naman aniya itong marami ng nabago. 

Isa sa mga di’ malilimutan at tumatak na linyahan nito ay ang ‘the deadline is always yesterday’. 

Kung saan dadalhin aniya ang motto na ito sa pagpunta at paglipat sa panibagong posisyon bilang Ombudsman. 

Buhat nito’y tiwala naman ang naturang dating kalihim sa iiwanan niyang mga opisyal upang magpatuloy pa rin ang serbisyo sa Department of Justice. 

Mensahe sa mga ito na tuloy ang laban, laban para sa katarungan. 

Matapos ang isinagawang oath taking ceremony, kadyat itong sinundan ng panayam kay Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla. 

Kanyang ibinahagi na unang-una niyang tutukang kaso ay ang patungkol sa flood control projects anomaly. 

Sisilipin aniya ang kagawaran ng Department of Public Works and Highways bilang bagong tanod-bayan.