Naniniwala si Senate Committee on Finance Chairman Senador Sherwin Gatchalian na mas mabuting buwagin na lamang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at magtatag ng bago.
Ito ay dahil sa umano’y korapsyon na bumabalot sa ahensya kabilang ang isyu ng maanomalyang flood control projects at kamakailangan natuklasan na anomalya sa farm to market road projects.
Sa palagay ng senador, aabutin ng maraming taon bago malinis ni Public Works Secretary Vince Dizon ang ahensya.
Bilang halimbawa, binanggit ni Gatchalian na may mga ghost project o na natuklasan sa iba’t ibang panig ng bansa — hindi lang sa Bulacan — na nagpapakita ng malawakang korapsyon sa loob ng DPWH.
Nabusisi ang ahensya matapos lumabas ang mga ulat na ilang lokal na opisyal nito ang sangkot sa mga maanomalyang flood control projects, partikular sa lalawigan ng Bulacan.