-- Advertisements --

Nakahanda na ang buong tanggapan ng Office of the Ombudsman para sa pagtanggap at pag-upo ng bagong talagang Ombudsman na si Jesus Crispin Remulla.

Sa mismong harapan ng tanggapan ng Ombudsman na matatagpuan sa Quezon City, kitang-kita na ang isang malaking tarpaulin na nakakabit.

Naglalaman ito ng mensahe ng pagbati para sa bagong Ombudsman, bilang pagpapakita ng suporta at pagtanggap sa kanya.

Ayon naman sa impormasyon na nagmula sa Ombudsman Public Information and Media Relations Bureau, kinumpirma nila na ang OMB Proper Office ay lubusan nang nalinis at isinaayos.

Dagdag pa nila, handa na ang buong tanggapan para sa pormal na pagpasok at panunungkulan ng bagong pinuno ng Ombudsman.

Nakatakda namang manumpa sa kanyang tungkulin si Remulla sa araw ng Huwebes, at inaasahang magsisimula na agad siyang manungkulan sa araw ng Biyernes.

Si Jesus Crispin Remulla ang magiging ika-pitong Ombudsman ng Republika ng Pilipinas, matapos siyang mapili at italaga sa pwesto kahapon, ika-7 ng Oktubre, taong 2025.

Inaasahan ang kanyang panunungkulan na magdadala ng pagbabago at pagpapabuti sa sistema ng Ombudsman.