-- Advertisements --

Naitala ng Philippine National Police (PNP) ang zero focus crimes sa Cebu isang linggo matapos na yanigin ang lalawigan ng magnitude 6.9 na lindol nito lamang Setyembre 30.

Nalulugod na inanunsyo ni Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na sa kabila ng nakakalungkot na epektong iniwan ng lindol sa rehiyon, wala namang naitalang looting, o kahit anumang mga krimen matapos ang lindol.

Ano Nartatez, ang datos ay mula na rin sa kanilang monitoring simula Oktubre 1 hanggang Oktubre 5 bagay na dahilan rin ng kanila aniyang mabilis na pagresponde sa mga pangangailangan ng mga residente sa naturang lalawigan.

Samantala, batay naman sa datos ng PNP bumaba ng halos 17% ang crime rate sa bansa simula Agosto hanggang Setyembre.