-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman na suspendihin ang ilang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways at Bids and Awards Committee na sangkot umano sa isyu ng flood control scandal.

Ito mismo ang kinumpirma ni Assistant Ombudsman Mico Clavano ukol sa sinasabing pag-iisyu ng Ombudsman ng suspensyon.

Aniya’y nag-isyu ang Office of the Ombudsman ng anim na buwan ‘preventive suspension’ nitong nakaraang ika-23 ng Oktubre.

Kabilang sa mga nasuspindeng opisyal ng Department of Public Works and Highways ay sina Juliet Calvo, Regional Director Gerald Pacanan, Gene Ryan Alurin Altea, Ruben Delos Santos Jr, Dominic Gregorio Serrano, Montrexis Tamayo at iba pa.

Pati mga nanilbihan sa DPWH-Mimaropa’s Bids and Awards Committee na sina Grace Lopez, tat Frierich Camero ay kabilang rin.