-- Advertisements --

Nanguna ang sina Olivia Dean at Lola Young sa may pinakamaraming nominations para sa Brit Awards.

Ayon sa organizers na mayroon silang tig-limang nominasyon.

Kabilang ang 25-anyos na si Young na nominado sa artist of the year, breakthrough artist, alt/rock act at pop act.

Habang ang kanta nilang “Messy ” ay nominado sa song of the year.

Habang ang 26-anyos naman na si Dean ay nominado rin sa parehas na category kasama ang album of the year para sa “The Art of Loving”.

Gaganapin ang awarding ceremony sa darating na Pebrero 28 sa Manchester.