-- Advertisements --
Lubos ang pasasalamat ng aktres na si Bangs Garcia matapos na ligtas ang mga ito at pamilya niya sa nangyaring aksidente.
Sa social media account ng aktres ay ibinahagi nito ang pangyayari kung saan muntik ng bumangga ang sasakyang minamaneho dahil sa nagyeyelong kalsada sa England.
Kasama niya sa nasabing sasakyan ang dalawang anak nitong sina Amelia at Isabella ng mangyari ang insidente.
Paliwanag nito na nakatuon ang atensiyon sa pagmamaneho sadya lamang naging madulas ang kalsada.
Mula pa noong 2017 ay nakabase na sa United Kingdom ang aktres mula ng ikasal ito sa asawang Filipino-British na si Lloyd Birchmore.
















