-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao matapos ang pag-araro ng sasakyan at pananaksak sa labas ng synagogue sa Manchester sa northern England.

Nangyari ang insidente kasabay ng pagdiriwang ng Yom Kippur o itinuturing na holiest day sa Jewish calendar.

Mayroong tatlong iba pa ang nasugatan habang napatay naman ng mga otoridad ang isang suspek.

Itinuturing ng mga otoridad na isang ‘terorismo’ ang insidente kung saan mayroon ding dalawang katao ang naaresto na may kaugnayan sa insidente.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang naging motibo ng suspek sa insidente.