Pumanaw na ang tinguriang pinakamatandang tao sa buong mundo na si Chitetsu Watanabe sa edad 112.

Naninirahan ito sa nursing home sa Niigata at ipinanganak noong March 5, 1907.

Opisyal itong kinilala ng Guinness World Record bilang oldest living man noong Pebrero 12 ngayong taon lamang.

Nagtrabaho ito sa Taiwan sa isang sugar cane plantation at bumalik sa Japan at naging empleyado ng agricultural office sa Niigata.

Sa isang panayam sinabi nito na ang sekreto niya sa mahabang buhay ay dapat huwag magalit at laging ngumiti.