-- Advertisements --

Ikinagalit ng Japan ang delikadong pagma-maneobra ng fighter jet ng China na muntik ng tamaan ang kanilang eroplano sa Pacific Ocean.

Ayon kay Chief Cabinet Secretary Yoshimasa Hayashi na ang J-15 Chinese warplane na galing sa Shandong aircraft carrier ay lumipad ng 45 meters malapit sa kanilang P-3C martime surveillance plane ng Japan.

Ang P-3C aircraft ay pag-aari ng Maritime Self-Defense Force ng Japan na nakabase sa isla ng Okinawa.

Nagsasagawa lamang sil ang surveillance sa international waters sa Pacific ng isagawa ng Chinese warplanes ang delikadong hakbang.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon aniya na may ginawang panunupil ang China sa kanila dahil noong nakaraang Sabado, ay hinabol ng Chinese J-15 warplanes mula sa Shandong ang kanilang Japanese P-3C patrol aircraft ng halos 40 minuto.

Tiniyak naman ng Japanese government na papanatilihin nila ang magandang komunikasyon sa China sa anumang level at itutuloy pa rin nila ang monitorng ng airspace na sakop ng Japan.