Oldest Person Tanaka
Kane Tanaka/ image from Guinness World Record
-- Advertisements --

Napili ang 118 taon na siyang itinuturing na pinakamatandang tao na nabubuhay na magdala ng Olympic torch sa Japan sa darating na Mayo.

Si Kane Tanaka na dalawang beses ng gumaling sa cancer ay dadalhin ang Olympic torch kapag ito ay dumaan sa kaniyang lugar kung saan ito isinilang sa prefecture of Fukuoka.

Itutulak siya ng kaniyang pamilya habang lulan ng wheelchair at ito ay maglalakad ng kaunti habang ipapasa ang torch sa susunod runner.

Niregaluhan ito ng kaniyan mga kaanak ng bagong sapatos na gagamitin sa nasabing torch relay.