-- Advertisements --
Napilitang umalis sa NBA bubble sa Orlando si Oklahoma City Thunder guard Dennis Schroder dahil sa nalalapit ng panganganak ng asawa.
Sinabi ni OKC coach Billy Donovan, pinayagan nila si Schroder para sa pagsilang ng ikalawang anak sa asawang si Ellen.
Dagdag pa nito na pinapayagan ang mga manlalaro na lumabas sa NBA bubble sa Walt Disney resort kapag may emergency sa kanilang pamilya.
Hindi naman nito tiyak kung kailan ito makakabalik sa paglalaro.
Magugunitang ginawaran ng 6th Man of the Year si Schroder kung saan mayroong average na 19 points, 4 rebounds at apat na assists.