-- Advertisements --

Nagpasok ang Sandiganbayan First Division ng “not guilty plea” para kay Senador Rodante Marcoleta matapos tumanggi ang senador na maghain ng plea sa paglabag sa Presidential Decree 46, dahil sa nakabinbing mosyon sa Korte Suprema.

Sa ilalim ng PD, ipinagbabawal ang pagtanggap ng mga public official ng mga regalo.

May kaugnayan ito sa P75 milyong hindi umano idineklarang natanggap na donasyon ni Marcoleta bago ang 2025 midterm elections nang tumakbo siya bilang senador.

Nauna nang sinabi ng Ombudsman na binayaran ang buwis para sa naturang donasyon noong Disyembre 2025 o halos 11 buwan matapos na ibigay ang donasyon noong Enero 2025.

Subalit, naninindigan ang senador na inosente siya at tinawag na politically motivated ang mga kaso laban sa kaniya.