-- Advertisements --

Bumagal sa 2.3% ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas o Gross Domestic Product (GDP) sa ikalawang kwarter ng 2026, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes, Agosto 7, 2026.

Ito ang pinakamahabang pagbagal ng ekonomiya sa nakalipas na limang taon, bunsod ng mataas na inflation, epekto ng sigalot sa Middle East, at pagbaba ng mga pamumuhunan.

Sa isang pulong balitaan, iniulat ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, na ang 2.3% growth ay mas mabagal kumpara sa 2.8% noong unang quarter ng 2026.

Gayundin, napakakayo nito kumpara sa 5.4% na naitala sa parehong panahon noong 2025.

Dahil sa pagbagal na ito, nasa 2.6% lamang ang average na paglago ng ekonomiya para sa buong unang semestre o first half ng 2026.

Bunsod naman ng mga hamon sa ekonomiya, ibinaba ng pamahalaan ang buong taong target nito sa 3.5% hanggang 4.5% mula sa mas mataas na forecast.