-- Advertisements --

Malakihang umento sa presyo ng produktong diesel ang sasalubong sa mga motorista bukas.

Sa advisory, ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. ay magtataas ng presyo ng kanilang produktong diesel ng hanggang P6.85 kada litro.

Ang gasolina ay may taas presyo rin na P1.20 kada litro habang ang kerosene ay meron ding bigtime price hike na aabot sa P3.50 bawat litro.

Parehong umento naman ang ipatutupad ng Cleanfuel maliban na lamang sa kerosene.

Epektibo ang oil price adjustment dakong alas-6:00 bukas para sa Shell at alas-8:01 ng umaga naman para sa Cleanfuel.

Asahan namang susunod na mag-aanunsiyo ngayong araw ang iba pang oil firms.

Base naman sa pinakahuling data mula sa Department of Energy (DoE) ang year-to-date total adjustments ay mayroong net increase na P14.45 kada litro para sa gasolina, P28.95 kada litro ng diesel at P23.25 sa kada litro ng kerosene.