-- Advertisements --

Kinumpirma na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na kinilala na ng FIBA bilang local player si Quentin Millora-Brown.

Sinabi ni SBP president Al Panlilio na malaking balita ito sa Gilas Pilipinas kapag kanilang naipasok.

Dahil dito ay maaari na si Millora-Brown na mapasama sa lineup ng mga lokal na manlalaro ng Gilas Pilipinas.

Una ng sinabi ni Gilas coach Tim Cone na malaking tulong sa kanila kapag makasama nila si Millora-Brown.

Kasama na siyang naglaro sa Gilas sa exhibition game nila ng Macau Black Bear bago ang pagsabak nila sa FIBA Asia Cup na ginanap sa Jeddah Saudi Arabia.

Isinilang ang 6-foot-10 na si Millora Brown sa US at siya ay apo ng Pinoy doctor.

Noong nakaraang taon ay naging susi siya para makuha ng University of the Philippines Fighting Maroons ang UAAP Season 87 men’s basketball title.