LAOAG CITY – Nagtulungan din sa pangangalap ng donasyon ang mga vverseas Filipino workers (OFWs) sa Qatar para sa mga evacuees ng pagsabog ng bulkang Taal sa Batangas.

Sa mensaheng ipinadala ni Erica Moreno-Tan, Medical Specialist sa isang Pharmaceutical Corporation, sinabi nito na itinipon na nila sa Le Park Hotel sa Doha ang mga nalikom na relief goods para doon ibalot at maipadala dito sa Pilipinas.

Maraming kababayan umano ang nagbigay ng donasyon, gaya ng mga damit, gamot, at pagkain.

Ayon kay Tan, kahit malayo sila sa bansa ay hangad din nilang makatulong sa mga biktima ng Taal eruption.