-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Pinasalamatan ng mga OFWs ang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mandatory contribution ng Philhealth na maging bolutuntaryo na lamang ang pagbabayad.

Ito ang pagbabahagi ni Bombo international correspondent Revelyn Dolaus sa Damascus, Syria at tubong Tantangan, South Cotabato.

Aniya, malaking tulong na ito sa kanilang mga Pinoy Worker dahil kung magpapatuloy ang dagdag na bayad sa PhilHealth lalo na sa mga OFWs, dagdag pa ito sa kanilang iispin lalo na halos sa kanila na nagtratrabaho sa ibang bansa ang inaasahan lamang ng kani-kanilang pamilya dito sa Pilipinas.

Sa kabila nito, pinahayag niya na mas kinatatakutan umano ng mga Syrian nationals ang COVID-19 kumpara sa giyera, ito’y dahil hindi umano nakikita ang kalaban.

Sa ngayon, mahigpit rin ang kanilang pagpapatupad ng mga preventive measures laban sa nakakamatay na virus.