LAOAG CITY – Nakauwi na rin sa bansa ang overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Laurello, residente ng Brgy. Tabucbuc, Marcos, Ilocos Norte mula Riyadh, Saudi Arabia.

Ito ay matapos tulungan ng Overseas Workers Welfare Administration at Philippine Overseas Labor Office (POLO) si Laurello matapos saktan ng among lalaki.

-- Advertisement --

Nabatid na tatlong buwan pa lamang na nagtatrabaho si Laurello sa nasabing bansa ngunit sinaktan ito ng walang dahilan.

Nagpasalamat naman ito sa mga tumulong sa kanya upang makauwi sa bansa.

Sinabi ni Danna Kriz Bugnosen, family welfare officer ng regional office na may tulong na ibibigay kay Laurello habang nandito ito sa Pilipinas.