Opisyal nang inanunsiyo ngayon ng USA Basketball ang 12 mga players na pawang mga NBA superstars na magiging line up ng national team na sasabak sa Tokyo Olympics sa susunod na buwan.
Target ng Amerika na muling masungkit sa ika-apat na pagkakataon ang Olympic title.
Ang powerhouse team ay pangungunahan ng three-time Olympian na si Kevin Durant (Brooklyn Nets).
Narito ang iba pang miyembro ng U.S. Olympic Team 2020: Bam Adebayo (Miami Heat), Bradley Beal (Washington Wizards), Devin Booker (Phoenix Suns), Durant, Jerami Grant (Detroit Pistons), Draymond Green (Golden State Warriors), Jrue Holiday (Milwaukee Bucks), Zach LaVine (Chicago Bulls), Damian Lillard (Portland Trail Blazers), Kevin Love (Cleveland Cavaliers), Khris Middleton (Milwaukee Bucks) and Jayson Tatum (Boston Celtics).
Sa July 6 simula na ang pagsasama-sama ng mga players para sa training camp sa Las Vegas liban lamang sa mga players na naglalaro ngayon sa NBA conference finals.
Samantala ang USA coaching staff ay pangungunahan ng head coach na si Gregg Popovich (San Antonio Spurs) at tatayong assistant coaches na sina Steve Kerr (Golden State Warriors), Lloyd Pierce and Jay Wright (Villanova University) at si Jerry Colangelo na muli na namang magsisilbing USA Men’s National Team managing director.
“I’m happy for the selected players and looking forward to having the opportunity to work with this wonderful group when practice gets underway on July 6 in Las Vegas,” ani Popovich. “I’m excited to represent the United States in our quest to earn a gold medal in Tokyo.”