-- Advertisements --
Posibleng muling pumasok ang typhoon Odette sa Philippine area of responsibility (PAR) kahit makalabas na ito bukas.
Pero inaasahang hihina na ito at magiging isang low pressure area (LPA) na lamang.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng San Vicente, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph at may pagbugsong 205 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 25 kph.
Signal No. 3: Northern portion ng Palawan
Signal No. 2: Central portion ng Palawan, kabilang na ang Kalayaan, Calamian, Cuyo at Cagayancillo Islands
Signal No. 1: Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, western portion ng Romblon, natitirang bahagi ng Palawan, Aklan, Capiz, Iloilo, Antique, western portion ng Negros Occidental at Guimaras