-- Advertisements --

Pinangunahan ng pamunuan ng Office of Civil Defense ang Inter-Agency Coordinating Cell meeting para talakayin ang mga krisis na kinakaharap dulot ng pagsasara ng San Juanico Bridge para sa rehabilitasyon.

Ayon kay OCD Undersecretary Ariel Nepomuceno, sa naturang pagpupulong ay tinalakay ang posibleng epekto ng closure na ito sa ekonomiya ng mga apektadong lugar.

Una nang nagtakda ang Department of Public Works and Highways ng load capacity limit para sa mga sasakyang dadaan sa lugar.

Dumalo sa naturang pagpupulong ang mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government, Department of Public Works and Highways, Philippine Coast Guard , Philippine Ports Authority , regional civil defense offices, at Samar provincial government.

Inulat naman ng OCD Eastern Visayas na nasolusyunan na ang traffic na nabuo sa San Juanico Bridge bagamat ang mga siksikan ngayon ng mga sasakyan ay lumipat na sa mga pantalan.

Ayon ahensya, sa kabila nito ay nakahanda naman ang mga pantalan para i accomodate ang maraming bilang ng mga pasahero at mga sasakyan.

Naglabas na rin ang DPWH at PPA ng mga alternatibong ruta para sa mga mabibigat na sasakyan habang humingi na rin ito ng pag-unawa sa publiko dahil sa abalang dulot nito.