-- Advertisements --

Mapayapa at naging maayos ang naging inisyal na assessment ng Philippine National Police (PNP) para sa naging kabuuan ng obserbasyon ng Holy Week Exodus ngayong taon.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., walang mga naitalang mga major incidents na nakaapekto sa kabuuang obserbasyon ng Lenten Season.

Aniya, nananatiling prayoridad ng pulisya ang ligtas na pagbabalik ng mga biyaheros matapos ang higit isang Linggong inilaan nito para magnilay-nilay.

Kasundo nito, inihayag ni Nartatez na bilang pagpapakita ng kanilang pagbibigay halaga sa kaligtasan at kaayusan ay mananatiling nakatalaga sa iba’t ibang mga lugar ang halos 98,000 na miyembro ng PNP.

Ito ay ipinakalat sa iba’t ibang pook-pasyalan sa bansa, mga transportation hubs at maging sa mga pangunahing lansangan.

Matapos nito ay muli namang nagpaalala ang hepe sa mga motorista na mataniling kalmado sa kani-kanilang mga pagbiyahe at iwasan ang paglaganap ng road rage incidents.

Samantala, mananatili namang nakataas ang antas ng alaerto ng Pambansang Pulisya para masiguro na magiging maayos at banayad ang mga biyahe ng mga mananakay at ligtas na makakauwi sa kanilang mga tahanan ang mga ito.