-- Advertisements --

Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa pamahalaan na maghanda ng supplemental budget upang maprotektahan ang mga Pilipino sa epekto ng patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Gatchalian, maaaring mangailangan ng karagdagang P60 bilyon hanggang P400 bilyon upang maipagpatuloy ang social amelioration programs kung magtatagal ang krisis. Iminungkahi rin niya ang posibilidad ng Bayanihan 3, kabilang ang loan reprieve at pansamantalang pagtigil ng interest sa credit cards.

Sa ulat ng Senate PROTECT na isinumite sa Malacañang Palace, inirekomenda ang targeted aid tulad ng P1,500 buwanang tulong para sa 5 milyong minimum wage earners at MSME workers, at dagdag na ayuda para sa 3.5 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s).

Kasama rin sa panukala ang P3,000 buwanang ayuda para sa 1.4 milyong mahihirap na pamilya at pagpapalawak ng Walang Gutom Program upang mapalakas ang seguridad sa pagkain.