-- Advertisements --

Nakapagtala ng hindi bababa sa 200,000 mga outbound passengers ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa kabuuan yan ng naging obserbasyon ng Holy Week nitong Linggo.

Batay sa datos ng PCG, sa ngayon naitala ang mga outbound passengers na umabot na sa 195,257 habang ang mga inbound passengers naman ay pumalo na sa 167,690.

Ayon naman kay PCG Spokesperson Noemie Cayabyab, pinakamaraming mga pasahero ang naitala sa Cebu, Batangas, Aklan, Iloilo at maging sa Davao.

Inaasahan naman na simula ngayong Linggo, Abril 4 maguuwian na ang mga biyaheros pabalik sa Maynila bilang muling paguumpisa ng pagbbalik ng mga orihinal na oras ng trabaho sa Lunes.

Samantala, wala naman din aniyang gaanong ipinagbago ang datos ngayong taon kumpara noong Semana Santa noong 2025 na siyang halos pumalo rin sa parehong bilang ng mga pasahero.