-- Advertisements --

Nakahanda na ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) para sa inaasahang pagbabalik ng mga biyaheros ngayong linggo matapos ang naging obserbasyon ng Holy Week.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan na niya ang lahat ng mga police commanders na panatilihing matatag at aktibo ang mga presensiya ng pulisya sa mga pangunahing kalsada at maging sa mga transportation hubs para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga mananakay.

Kasunod nito, inihayag rin ng hepe na ang buong Holy Week exodus ay naging mapayapa at bagamat mayroong ilang mga naitalang insidente ng pagkalunod at ilang aksidente sa kalsada ay tiniyak naman ni Nartatez na walang mga naging insidente na siyang nakaapekto sa kabuuang latag ng seguridada at paghahanda sa buong Semana Santa.

Sa kabila nito, mananatilng nakataas ang alerto ng PNP para siguruhing ligtas ang mga biyahero na makakabalik sa kanilang mga tahanan.

Samatala, mananatili naman ang higit sa 98,000 na deployment ng pulisya na mananatiling nakatuon sa pagpapatupad ng seguridad sa mga pook-pasyalan, pangunahing mga lansangan at iba pang mga lugar na patuloy na dinadagsa ng publiko.