-- Advertisements --

Pinuna ni Balanga Bishop Rufino Sescon Jr. ang mga opisyal ng pamahalaan na “ayaw bumaba” sa puwesto kahit nasasangkot sa mga anomalya, sa homiliya ng misa mayor para sa Pista ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand noong Biyernes ng hatinggabi.

Naglabas ang obispo ng panawagan sa gitna ng galit ng publiko sa umano’y korapsiyon sa mga infrastructure at flood control projects kasunod ng malalang pagbaha sa ilang lugar.

Bago ito, nanawagan din si dating Novaliches Bishop Antonio Tobias sa mga mambabatas na ibalik ang yaman na umano’y nakurakot sa isang misa sa Kamara noong Disyembre 2025.

Pinangunahan ni Sescon ang misa bilang kahalili ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula, na imbitado sa extraordinary consistory ni Pope Leo sa Vatican. (report by Bombo Jai)