cardema
NYC Chair Cardema

Hindi pa tuluyang uupo bilang party-list substitution si National Youth Commission chairman Ronald Cardema bilang substitution sa Duterte Youth nominee.

Sinabi ni Commission on Election (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon, na hindi pa naaprubahan ang substitution ni Cardema at ito ay kanila pang pinag-aaralan.

Ayon pa kay Guanzon, na dahil mayroong nakabinbin na petition o pagkontra dahil siya ay mahigit 30 anyos na at hindi na maaaring maging representante ng youth sector party list.

Ang nasabing pahayag ay bilang paglilinaw sa ibinunyag ni Comelec spokesperson James Jimenez na aprubado na ang aplikasyon nito sa posisyon.

Nauna rito inaprubahan ng Comelec ang withdrawals ng Certificate of Acceptance of Nominations nina Ducielle Maire Suarez ang asawa ni Cardema, Joseph De Guzman, Benilda De Guzma, Amaldo Villafranca at Elizabeth Anne Cardema.

Kasalukuyan pa rin nilang pinag-aaralan ang ilang nominasyon ng mga sumusunod na sina Ronald Gian Carlo Cardema, Gian Carlo Galang, Catherine Santos, Kerwin Pagparan at Sharah Shane Makabaki.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here