-- Advertisements --

Sinisikap ng Commission on Elections (Comelec) law department na mapairal ang patakaran na magpapataw ng multa sa mga nuisance candidates, lalo na sa national positions.

Naging paksa kasi ito sa pagdinig nitong Miyerkules ng Senate electoral reforms and people’s participation.

Ayon kay kay Comelec Dir. Maria Casingal, pabor sila sa panukalang gawing P100,000 ang penalty sa mga mapapatunayang tumatakbo lamang para gawing katatawanan ang halalan at guluhin ang proseso.

“We support the imposition of the fine, P100,00, & we also propose that those declared be disqualified from running in 2 successive elections,” wika ni Casingal.

Sinabi pa ni Casingal sa pagtatanong nina Sens. Francis Tolentino at Imee Marcos na maliban sa multa, hindi na rin papayagan ang pagtakbo ng nuisance candidates sa susunod na dalawang halalan.

Sa kasalukuyan kasi ay walang penalty sa mga pampagulong kandidato, maliban lamang sa aalisin sila sa listahan ng mga official candidates.