Ipinagtanggol ni Mr. Beast o Jimmy Donaldson sa tunay na buhay ang kaniyang stunt video na bababayaran niya ang isang tao na $500,000 kapag makatakas ito sa nasusunog na building.
Sa nasabing challenge video na nakakuha ng mahigit 45 milyon views ay makikita ang isang stuntman na sumubok sa challenge.
Mayroong pitong kuwarto na dadaanan ang kontestant bago makalabas sa nasusunog na gusali.
Umani ito ng kritisismo dahil baka gayahin umano ng mga tao na magdudulot pa ng kamatayan.
Subalit sinabi ni Mr. Beast na ang kaniyang mga kinuhang contestant ay mga professional stuntman at mayrong nakalaan na mga emergency team.
Si Mr. Beast ay itinuturing na pinakamalaking You Tuber na mayroong mahigit 45 milyon na followers na itinuturing na highest -paid creators.
Ilan sa mga negosyo nito ay fast food at Amazon TV gameshow na Beast Games.