-- Advertisements --

Hinikayat ng Manila Electric Company ang publiko na ingatan at proteksyunan ang kani-kanilang mga impormasyon.

Ito ang naging panawagan ng naturang kumpanya matapos na mag viral online ang iba’t ibang mga video hinggil sa ‘bill reveal challenge’ kung saan ipinapakita ng mga Pilipino ang kanilang tumaas na bill statement para sa Buwan ng Mayo.

Lubos na nabahala rito ang Meralco dahil nakikita na sa ilang mga video ang kanilang mga personal na impormasyon kagaya na lamang ng kanilang account number, pangalan at maging ang kanilang kumpletong tirahan.

Ito umano ay delikadong challenge dahil maaaring manakaw rito ang mga personal na impormasyon na maaaring magamit ng mga scammer sa kanilang mga modus at iba’t ibang krimen.

Sa ngayon, patuloy ang paalala ng nasabing power distributors na mag doble ingat sa mga sinasalihang mga challenge o trend sa social media at tiyaking wala itong kaakibat na panganib.