-- Advertisements --

Nakabalik na sa normal ang ilang mga pangunahing websites matapos na makaranas ng major internet outage ngayon Lunes Oktubre 20.

Kabilang sa mga naapektuhan ay ang Canva, Zoom at Amazon.

Sa Pilipinas ay tumaas ang problema mula alas-3 hanggang 5 pm nitong Lunes.

Kinumpirma ng Amazon Web Service (AWS) na isang cloud computing platform na tumutulong sa virtual servers, storage, database at networking para sa mga iba’t-ibang sites ang naapektuhan.

Dahil rin sa nasabing problema ay naapektuhan ang ilang platform gaya ng Roblox, AWS, PLDT, Gmail, Reddit, Viber, Perplexity, Snapchat, Signal, Epic Game Stor at Fortnite.

Sa US ay maraming mga naapektuhan gaya ng communication line ng AT&T, T-Mobile,Verizon, VRChat, Venmo, Prime Video.

Ayon sa AWS na nagkaproblema ang kanilang domain name system (DNS) na naapektuhan ang DynamoDB API na isang “serverless” cloud-based database na gamit ng maraming websites.

Patuloy ang ginagawang pagbabalik ng kumpanya silang platform at tinutukoy din nila ang tunay na sanhi ng problema.