-- Advertisements --
Nagtalang panibagong record ang Youtube sensation na si Jimmy Donaldson.
Si Donaldson o kilalang si “Mr Beast” ay nagkamit ng 400 milyon subscribers sa kaniyang YouTube channel.
Siya lamang ang kauna-unahang indibidwal na nakakuha ng nasabing pagkilala.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan ng pagkuha niya ng award na bigay mismo ni YouTube CEO Neal Mohan.
Nakilala si Mr. Beast sa mga iba’t-ibang mga challenge kung saan mayroong mga malalaking halaga ng pera ang premyo nito.