Hindi nababahala ang Denver Nuggets na hindi sila ang paboritong manalo laban sa Los Angeles Clippers at makapasok sa Western Conference Finals.
Ayon kay Nuggets President of Basketball Operations Tim Connelly na naglalaro sila ng mas maganda at maluwag kumpara sa Clippers.
Tiwala din ito sa ilang mga diskarte na gagawin ng kanilang star player na si Nikola Jokic.
Hindi rin aniya nito ikinakaila na ilang beses ng nag-collapse ang Clippers sa playoffs sa halos limang dekada na ng koponan.
Gaya aniya ng pilosopiya ng beteranong coach ng Miami Heat na si Pat Riley sa playoffs at Game 8 na kanilang susundin ang “Use seven, play six, trust five” kung saan, bukod kay Jokic aniya ay asahan ang kontribusyon nina Garry Harris, Jamal Murray, Paul Millsap, Michael Porter at Monte Morris para bantayan ang mga players ng Clippers na sina Paul George, Kawhi Leonard, Lou Williams at Patric Beverley.