-- Advertisements --
Ikinalugod naman ng National Security Council (NSC) ang resolusyon ng US Senate na kumukondena sa agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS) at muling nagpapatibay sa Mutual Defense Treaty (MDT) ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay NSC Sec. Eduardo Año, malinaw ang mensahe ng resolusyon hindi nag-iisa ang Pilipinas at handang tumulong ang US laban sa iligal na kilos ng Tsina.
Nanawagan ang resolusyon ng mas malawak na joint patrols, training, cyber cooperation, at suporta sa modernisasyon ng depensa ng Pilipinas.
Tinutulan din nito ang planong gawing nature reserve ang Scarborough Shoal.
Giit ng NSC, mananatiling defensive ang Pilipinas, at ipaglalaban nito ang karapatan batay sa UNCLOS, 2016 Arbitral Award, at mga umiiral na batas.