Sumuko sa mga operatiba ng 71st Infantry Battalion ng 7th Infantry Division ang isang bomb expert at full time member ng New Peoples Army (NPA).

Ito ang kinumpirma ni 71st Infantry Battalion, commanding officer Lt. Col. Esteveyn Ducusin.

Kinilala ni Ducusin ang sumukong bomb expert at NPA member na si Jomar Madalo Antolin a.k.a. Raffy.

Sa report na ipinaabot ni Ducusin kaniyang sinabi na pitong taon ng miyembro ng NPA si Antolin na nag-ooperate sa Compostella Valley province.

Dagdag pa ni Ducusin na isang organizer sa barangay si Antolin sa bayan ng Maco.

Napag-alaman na sangkot din ito sa ilang mga naganap na enkwentro, harassment at pagpapasabog ng improvised explosive device laban sa mga sundalo.

Miyembro din si Antolin ng Guerrilla Front 2 ng Southern Regional Committee na nag-ooperate buong probinsiya ng Compostella Valley.