Umiskor ng putback si Sean Anthony sa nalalabing 15.8 segundo ng laro upang tulungan ang NorthPort na magapi ang NLEX, 83-79, sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum nitong Sabado.

Nagtapos na may 17 points si Anthony para sa Batang Pier, na nagwagi ulit kahit wala ang kanilang star guard na si Stanley Pringle na nagpapagaling pa makaraang sumailalim sa surgery upang tanggalin ang bone spurs sa kanyang kanang bukong-bukong.

Pinamunuan naman ni Robert Bolick ang koponan matapos itong kumolekta ng 18 points, at si Prince Ibeh na pumoste ng 15 markes at 19 boards para ilista ng NorthPort ang kanilang 2-0 marka ngayong torneyo.

“NLEX is a tough team. At the same time, coach Yeng is a tough coach. Mahirap din talaga talunin. It’s all about breaks of the game. I’ll take it. A win is a win,” wika ni NorthPort coach Pido Jarencio.

Sumandal naman ang NLEX kay Kenneth Ighalo na tumipa ng 18 points para sa koponan.

Narito ang mga iskor:

NorthPort 83 – Bolick 18, Anthony 17, Ibeh 15, Tautuaa 14, Taha 10, Elorde 6, Grey 3, Gabayni 0.

NLEX 79 – Ighalo 18, Erram 12, Galanza 11, Soyud 10, Fonacier 7, Tiongson 6, Paniamogan 5, Magat 4, Baguio 2, Paredes 2, Lao 2, Rios 0, Taulava 0, Tallo 0.

Quarters: 25-18; 43-35; 57-59; 83-79