-- Advertisements --

Tinambaka ng TNT Tropang 5G ang NorthPort 94-70 sa nagpapatuloy na PBA PhilippineCup sa Smart Araneta.

Mayroon ng limang panalo at tatlong talo na ang TNT habang ang NorthPort ay mayroong isang panalo at pitong talo.

Bumida sa panalo ng TNT si Calvin Oftana na mayroong 15 points at 10 rebounds habang mayroong 12 points ang naitala ni Almond Vosotros at five points at walong rebounds ang naitala ni Brandon Ganuelas-Rosser.

Nasayang naman ang nagawang 20 points, apat na rebounds , tatlong assists, tatlong steals at dalawang block ni Joshua Munzon para sa Batang Pier.