-- Advertisements --
Naging sulit ang ginawang paghabol ng Meralco Bolts laban sa NorthPort 105-104 sa nagpapatuloy na 49 PBA Philippine Cup sa PhilSport Arena.
Binura ng Bolts ang 15 points na kalamangan ng NorthPort hanggang magkaroon ng matinding depensa sa natitirang 23 segundo.
Nanguna sa panalo ng Bolts si Chris Newsome na mayroong 24 points habang si Chris Banchero ay mayroong 23 points at nag-ambag naman ng 17 points at siyam na rebounds si Bong Quinto na siyang nagpasok ng game winning shot.
Nasayang naman ang ginawang 14 points ni William Navarro at 11 points naman ni Jio Jalalon para sa NorthPort.