-- Advertisements --
Tinuldukan ng Phoenix ang kanilang apat na sunod na pagkatalo matapos malusutan ang NorthPort 118-107 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Bumandera sa panalo ng Phoenix si Jason Perkins na nagtala ng 26 points.
Mayroon ng tatlong panalo at pitong taloang Fuelmasters habang ang Batang Pier ay mayroong isang panalo at walong talo.
Hindi naman umubra ang ginawang 32 points ni Joshua Munzon at 18 points ni Calvin Abueva para sa Batang Pier.