Kinumpirma ng South Korean military na nagpaputok muli ngayong Linggo ng isang unidentified ballistic missile ang North Korea, ilang araw matapos lumapag sa South Korea ang isang nuclear-powered US aircraft carrier para makilahok sa isang joint military drills.
Ang pagpapakawala ng North Korea ng isang ballistic missile ay inilabas ng Joint Chiefs of Staff ng Seoul.
Sa mga isinasagwang paglulunsad at pagsubok sa armas ng North Korea, maaari na ang Pyongyang ay naghahanda na magpaputok ng isang submarine-launched ballistic missile.
Kinumpirma naman ng coast guard ng Japan ang posibleng paglunsad ng ballistic missile, kung saan ang nasabing impormasyon ay mula sa minister of defense ng Tokyo kung saan binalaan ang mga barko na magkaroon ng kamalayan hinggil dito.
Nitong Biyernes, ang nuclear-powered USS Ronald Reagan at mga sasakyang-dagat mula sa strike group nito ay dumaong sa southern port city ng Busan, bahagi ng pagtulak ng Seoul at Washington na magkaroon ng mas maraming estratehikong asset ng US na tumatakbo sa rehiyon.
Ang Pangulo ng South Korea na si Yoon Suk-yeol, ay nangakong palakasin ang joint military exercises ng Estados Unidos at South Korea.
Ang USS Reagan ay makikibahagi sa joint drills sa silangang baybayin ng South Korea ngayong buwan.
Ang Washington ay pangunahing kaalyado sa seguridad ng Seoul at naglalagay ng humigit-kumulang 28,500 tropa sa South Korea upang protektahan ito mula sa Hilaga.
Ang dalawang bansa ay matagal nang nagsagawa ng magkasanib na pagsasanay, subalit iba ang pananaw dito ng North Korea na isang rehearsals para sa isang pagsalakay.
Ilang buwan nang nagbabala ang mga opisyal ng South Korea at US kay North Korean President Kim Jong Un kaugnay sa paglulunsad nito ng isa pang nuclear test.