Reading Time: 1 minute
nokor missile
Nokor Missile/ file photo

Nagpalipad muli ang North Korea ng ilang hindi pa malamang projectile missile.

Ayon sa South Korean military’s Joint Chiefs of Staff (JCS) na inilunsad ang nasabing missile sa Hodo Peninsula sa South Hamyong Province malapit sa silangang karagatan ng North Korea.

Mahigpit na binabantayan ng JCS ang nasabing lugar sa muling pagpapalipad ng North Korea ng missiles.

Noong nakaraang linggo nagpalipad ng 2 bagong short-range ballistic missiles ang North Korea.