Itinigil na ng South Korea ang paglalagay ng kanilang loudspeaker propaganda broadcasts sa border ng North Korea bilang hakbang upang “ibalik ang tiwala” at pahupain ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang hakbang ay kasunod ng pagkakaluklok kay bagong halal na Presidente na si Lee Jae-myung, na nangakong muling bubuksan ang dayalogo sa Pyongyang.
Magugunitang kilala si Lee sa kanyang plataporma ng pagpapabuti ng ugnayang inter-Korean
Una riotng kinikilala ng North Korea ang loudspeaker broadcasts bilang isang probokasyon sa kanila, at dati na rin itong pinagbantaan na pasasabugin.
Matapos ang anim na taong paghinto, matatandaang muling isinagawa ang mga broadcast noong Hunyo 2024 bilang tugon sa pagpapadala ng North Korea sa South Korea ng mga malalaking lobo na may lamang basura.
Nabatid na naglalaman ng mga broadcast na balita, impormasyon tungkol sa demokrasya, at pamumuhay sa South Korea ang lumalabas sa malalaking speaker.
Batay sa South Korean military, layunin ng suspensyon ang pagsasaayos ng tiwala sa relasyon ng dalawang bansa at pagkamit ng kapayapaan sa Korean Peninsula.
Bagama’t hindi pa tuluyang tinapos ang programa —senyales naman ito na maaaring ipagpatuloy kung muling lumala ang tensyon sa rehiyon.