-- Advertisements --

Ibinunyag ng South Korea na nagbigay ang Russia ng mga air defense system sa North Korea.

Ayon sa Foreign Ministry Office ng South Korea, na mula pa noong nakaraang taon ay may mga armas at air defense system na ibinigay ang Russia sa Pyongyang.

Base sa nakuha nilang ulat mula sa Multilateral Sanctions Monitoring Team (MSMT) na nagbigay ang Russia ng Pantsir air defense system at Pantsir-class combat vehicle sa North Korea.

Noong nakaraang taon kay ay pumirma ng kasunduan ang Russia at North Korea ukol sa military cooperation ng dalawang bansa.

Noong nakaraang taon din ay nagbigay ang North Korea ng 20,000 containers ng military goods sa Russia.

Kapalit din nito ay ibinahagi ng Russia ang mga missile datat at technical support para mapaganda ang missile guidance ng North Kore.

Kasama rin dito ang pagpapadala ng North Korea ng 11,000 na sundalo sa Russia para labanan ang Ukraine.