-- Advertisements --

Kinumpirma ng South Korean military na nagpakawala muli ng “unidentified projectile” ang North Korea.


Ito ang pinaka latest na salvo sa ginagawang missile tests ng Pyongyang sa mga nagdaang linggo.

Batay sa report ito ang ika pitong weapons test na isinagawa ng North Korea ngayong taon, kung saan binabalewala nito ang alok ng United States na pakikipag-usap.

Ang pinakahuling weapons test na isinagawa ng Pyongyang ay nuong 2019, matapos ang high-profile negotiation sa pagitan nina Kim Jong Un at dating US president Donald Trump na hindi nagtagumpay.

Simula nuon, hindi na umusad ang pakikipag-usap ng US at North Korea.

Nuong nakaraang linggo, dalawang weapons test ang inilunsad ng Pyongyang at nagkaroon din ng apat na dagdag na weapons test ngayong buwan ng Enero kabilang ang tinatawag na hypersonic missiles nuong January 5 at 11.

Una ng nagpahiwatig ang North Korea na posibleng kanilang i resume ang kanilang ginagawang nuclear and long-range weapons tests na kanilang itinigil simula nuong 2017.